DOLE, nakikipag-usap na sa UK at Germany para sa COVID-19 vaccine

Share this information:

Ipinahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mayroon nang isinasagawa na negosasyon sa pagitan ng ahensiya ang mga bansang United Kingdom at Germany upangmakakuha ng hindi bababa sa 600,000 doses ng COVID-19 vaccines

Ang mga bakuna ay gagamitin ng DOLE para sa Overseas Filipino Workers (OFW) na na-repatriate at made-deploy sa ibang bansa.

Ayon kay Alice Visperas, DOLE international labor affairs bureau director, hiniling ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa dalawang gobyerno na mabigyan ng bakuna ang Pilipinas kapalit ng karagdagang deployment ng  Filipino health care workers (HCWs) sa UK at Germany.

Ipinabatid umano ni Bello na ikinu-konsidera ng Pilipinas na gawaran ng exemption sa 5,000 deployment cap ang UK at Germany kung mapagbibigyan ang kanilang kahilingan ukol sa COVID-19 vaccine supply at isasama na rin ang renewal ng mga bilateral agreement para sa proteksyon ng mga OFW.

Noon pa man ay humihirit na ang dalawang bansa ng exemption sa pamahalaan para hindi malimitahan ang deployment ng nurses at healthcare workers sa kanilang mga bansa sa gitna ng tumataas na demand sa mga Pilipino HCW sa mga bansa sa Europa.

Umaasa naman ang DOLE na mapagbibigyan ang kahilingan at sinabi ni Visperas na posibleng ngayong linggo ay malalaman ang tugon ng UK.

— 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Vargas asks DOH to facilitate release of guidelines on cancer assistance fund availment

Tue Feb 23 , 2021
QUEZON CITY 4TH DISTRICT Representative Alfred Vargas, principal author of the National Integrated Cancer Control Act, has asked the Department of Health (DOH) to immediately release guidelines on how Filipinos can avail of the P620-million Cancer Assistance Fund. “Dagdag na hirap ang pandemic para sa cancer patients at ang kanilang […]

Follow Us

%d bloggers like this: