Deployment ng mga Pinoy workers sa Israel, isinasagawa na

Share this information:

ISINASAGAWA na ang pagpapadala o deployment ng mga Filipino workers sa Israel  matapos alisin ang pansamantalang suspensyon sa deployment noong Mayo, ayon sa labor department ngayong Huwebes.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nakatakda nang magpadala ang gobyerno ng maraming manggagawa sa gitna ng bumubuting sitwasyon sa naturang bansa.

Ayon sa kalihim, nangangailangan ngayon ng care workers ang Israel at iba pang service workers dahil unti-unti nang nagbubukas  ang kanilang borders.

Ang hiring ng mga manggagawang Filipino  ay bahagi ng bilateral agreement na nilagdaan  sa pagitan ng Pilipinas at Israel noong 2018.

Sa kasalukuyan, ayon kay Bello,  nasa kabuuang 208 caregiver contracts ang naipadala na sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para mapirmahan  at maproseso ang dokumento.

Mayroon ding 23 work visa ang naihain na sa Israeli embassy sa Taguig habang 90 pang visa application ang nakahanda nang ihain ngayong linggo.

Once the visas have been secured, POEA. through its government placement branch,  will proceed with the processing of their overseas employment certificates and other travel documents,” ayon kay Bello

Sa pagpapatuloy ng deployment sa Israel, sinabi ni Bello na inaasahan ng gobyerno na ganap na mapagtanto ang mga benepisyo sa kasunduan nito sa Israel na naglalaan para sa deployment  ng 1,000 Filipino care givers.

Ang kasunduan ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Punong Ministro ng Israel na si Benjamin Netanyahu tatlong taon na ang nakalilipas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.