Breaking News

Share this information:

DALAWANG wanted, kabilang ang isang miyembro ng notoryus na “Limos Crime Group,” ang nasakote ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa magkahiwalay na operation sa Quezon Province at Quezon City.

Sa ulat ni District Special Operation Unit (DSOU) head PLt.Col. Jay Dimaandal kay NPD Director PBGen. Jose Hidalgo Jr., nakatanggap sila ng imporasyon hinggil sa pinagtataguan ni Arnel Lacopia alyas One, sa Brgy., Baguio, Tayabas, Quezon.

Agad namang bumuo ng team ang DSOU sa pangunguna ni PLt. Glenn Mark De Villa at PSSgt. Allan Reyes Ignacio, kasama ang NDIT-RIU-NCR, DID-NPD, RID-NCRPO at Warrant at Intelligence Section ng Tayabas City Police Station Quezon PPO saka nagsagawa ng operation sa naturang probinsya na nagresulta sa pagkakaaresto kay Lacopia dakong alas-12:05 ng hating gabi.

Ayon kay Dimaandal, si Lacopia ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Murder na inisyu ni Hon. Leonardo Leonida, Presiding Judge ng NCJR Branch 74 Malabon City na may petsang October 5, 2006 at walang inirekomendang piyansa.

Dakong alas-8:40 naman ng gabi nang maaresto din ng mga tauhan ng DSOU sa Road 15, Project 4, Quezon City si Natahlie Manio ng 34 Gate 2 Luna 2, San Agustin, Malabon City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Edgardo Bellosillo, Presiding Judge ng NCJR Branch 95 Quezon City para sa kasong Estafa na may petsang July 1, 2021 at may inirekomendang piyansa na P70,000.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: