Dalawang rider sa viral motorcycle stunt sa Zambales, tukoy na

NATUKOY na ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang rider na nakuhanan ng video at naging viral sa social media dahil sa delikadong motorcycle stunt habang binabagtas ang national highway sa Zambales.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, pawang mga pulis nga ang dalawang rider na itinampok ng netizens sa viral video at nakatalaga sa Police Regional Office 3 sa Camp Olivas, San Fernando, Pampanga.

“Nitong nakalipas na araw ay nagbigay tayo ng kautusan para tukuyin ang pagkakakilanlan ng dalawang riders na nagpasikat sa isang highway sa Zambales. Kaagad namang nakilala ang dalawang ito at nakumpirma namin na sila nga ay mga pulis,” pahayag ni Eleazar.

Kinilala ang mga pulis na “exhibitionist” na sina Police Chief Master Sgt. Israel Bondoc at Police Master Sgt. Manuel Tolentino.

Sinabi ni Eleazar na isinailalim na sa “disciplinary measures” ang dalawang pulis na ngayon ay pansamantalang na-relieved sa puwesto.

Makikita ang dalawang pulis na gumagawa ng motorcycle stunts na tinawag na “kamote riders” at iresponsable ng mga netizen dahi sa tahasang paglabag nila sa batas trapiko at road safety.

Umaasa din ang opisyal ng agarang resulta ng imbestigasyon at pagpapataw ng kaukulang parusa laban sa dalawang pulis. “Let this serve as a warning that we will not tolerate this kind of misbehavior because as police officers, we should serve as the role models in abiding the laws that include traffic rules and regulations,” babala pa ni Eleazar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.