Umabot lamang sa 4,437 ang mga bagong naitalang kaso ng Coronavirus disease ngayong araw, March16.
Dahil dito, nasa 631,320 na ang kabuuang kaso o mga nagpopositibo sa sakit.
Mayroon namang 166 na mga bagong gumaling dahilan para umabot na sa 560,736 ang mga recoveries.
Nakapagtala naman ng 11 lamang na bilang ng mga pumanaw sanhi upang maging 12,848 na ang mga namamatay sa COVID-19.
Ang aktibong mga kaso naman ay nasa 57,736, kung saan halos 96.6 percent naman ang mild at asymptomatic na kaso.
Kaugnay nito, nagpa-alala ang DOH sa publiko na ang physical distancing ay hindi sapat kung nagkukulang sa isang metro.
Dapat panatilihin ang wastong safety health protocol upang sa gayun ay makaiwas sa anumang variant o mutation ng COVID-19.