Christine Dacera slay case, hindi pa sarado – Prosecutor General

HINDI pa umano maituturing na  case closed at naresolba ang kaso ng pagpatay sa 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera.

Ayon kay Prosecutor General  Benedicto  Malcontento,  kinakailangan pa ng isang full blown preliminary investigation upang mabigyang-linaw ang pagkamatay ng dalaga.  

Nabatid din kay Malcontento na hindi pa ibinabasura ang kasong rape with homicide  na isinampa ng Makati City Police laban sa 11 indibidwal. Hindi rin umano tama na tawagin silang suspek kundi respondents lamang.

Paliwanag pa ni Malcontento, premature ang inihaing kaso ng mga pulis at walang isinumiteng scientific at medical basis upang pagtibayin na ginahasa si Dacera.

Aniya, ang healed lacerations ni Dacera ay hindi basehan na nagahasa ito lalo na walang semen na nakita sa biktima base sa medico legal.

“The semen that they were saying, there was no evidence to that effect. On the medico-legal [report], that was not stated, that’s why our prosecutors decided to refer this for further investigation to determine, maybe in the future or none at all,” ayon kay Malcontento.

Hindi rin malinaw na tinukoy ng mga pulis kung paano pinatay si Dacera at sino sa 11 indibidwal ang responsable rito.

Sa Enero 14 itinakda ang preliminary investigation sa kaso.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.