DAMAY din sa pagbabawal ng videoke at pagkanta sa pampublikong lugar ang mga choir sa simbahan upang maiwasang kumalat ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sakop ng pinaiiral na protocol ang pagkanta ng mga choir ng simbahan at iba pang bahay dalanginan.
“Kapag nagbigay tayo ng ganitong protocol, hindi ito nililimitahan sa karaoke kasi marami pang pagkakataon na tayo ay kumanta sa public places. Mayroon pong ebidensiya na kapag tayo ay kumakanta, mas maraming viral particles ang nailalabas sa ating katawan kung tayo ay maysakit,” ani Vergeire.
“Choir members are not exempted. We will be coordinating with the Catholic church para ma-enforce ang minimum public health standards ngayong mas madalas magsimba ang mga tao dahil sa Simbang gabi,” dagdag nito.
Pinatutungkulan ni Vergeire ang siyam na magkakasunod na araw na mayruong Simbang Gabi ang mga Katoliko bilang paghahanda sa Araw ng Pasko. (With reports from JONAH AURE)