BuCor spokesperson, nagpositibo sa COVID-19

Share this information:

Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tagapagsalita ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Col. Gabriel Chaclag.

Ito ang inihayag mismo ng BuCor ngayong araw matapos lumabas ang resulta ng swab test ni Chaclag na isinagawa nuong Martes.

Ayon sa BuCor, nasa isang quarantine facilities na ang opisyal habang nagpapagaling mula sa mild symptoms.

Kaugnay nito, inatasan naman ng ahensya ang mga personnel at staff at maging ng mga nakasalamuha ni Chaclag na agad magpasa-ilalim sa swab test sa Directorate for Health Services.

Una ng isinailalim sa swab test si BuCor Director General Gerald Bantag matapos magpositibo sa virus ang kanyang dalawang tauhan.

Sa darating na araw ng Lunes, September 21 naman lalabas ang resulta ng swab test ni Bantag.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.