Binatilyong di pala marunong lumangoy, nalunod sa ilog sa Cavite

Share this information:

PATAY ang isang 16-anyos na binatilyo nang malunod matapos na tumalon upang maligo sa ilog kahit hindi ito marunong lumangoy sa Silang, Cavite Martes ng hapon.

Namatay noon din ang biktimang si alias Drin (Aldrin Ambrocio Pinpin), isang estudyante ng Silang Crossing East, Olivarez, Tagaytay City.

Sa ulat ni Pat. Minervin Castillo ng Silang Police Station, dakong alas-4:00 kamakalawa ng hapon nang maganap ang insidente sa isang ilog sa Destura St., Brgy Malabag, Silang, Cavite kung saan dumayo pa ang ang biktima at ilang kaibigan nito na maligo sa ilog.

Nagkantiyawan ang mga bata at nagsipagtalunan sa ilog kaya tumalon din ang biktima, eh hindi niya akalain na malalim pala  at hindi siya marunong lumangoy,” ayon kay Castillo.

Nabatid na may lalim na mahigit 12 talampakan ang parte ngg ilog kung saan tumalon ang biktima.

Tinangkang sagipin ng mga kasamahan niya ang biktima  subalit hindi na nila naisalba ang kanyang buhay.

Inamin ng kanyang mga magulang na hindi marunong lumangoy ang kanilang anak dahil wala umano itong kinalakihan na ilog o paliguan sa kanilang lugar. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.