Bataan PNP, may bago nang provincial director

Share this information:

INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo na si Police Col. Romell Allaga Velasco ay ang bagong PNP Provincial Director ng Bataan Police Provincial Office (BPPO) kasunod ng kanyang pagkakatalaga noong Sabado ng pamunuan ng PNP.

Si Col. Velasco ay tubong Nueva Ecija.

Pinalitan naman ni Velasco si Police Col. Joel Tampis, na inilipat sa Camp Olivas sa San Fernando, Pampanga at headquarters ng PNP Region Office 3 (PRO3) sa Central Luzon.

Bago ang kanyang pagkatalaga sa Bataan PPO, si Velasco ay naging hepe rin ng Police Community Relations sa PNP Police Regional Office 3.

Si Col. Velasco ay hindi na bago sa Bataan dahil dati na siyang nakatalaga sa Camp Tolentino, Bataan PNP headquarters, at nagsilbi na ng ilang taon bilang deputy provincial director, mobile force commander at naging chief of police din ng iba’t ibang bayan sa Bataan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Malasakit Movement denied, Mocha party list OK'd by Comelec

Wed Jan 12 , 2022
THE Malasakit Movement’s party-list bid for accreditation was denied on Wednesday by the Commission on Elections (Comelec). Comelec spokesperson James Jimenez said in a press briefing that the Malasakit Movement’s bid was denied due to lack of merit since the group “failed to meet the requirement for a sectoral party-list […]
%d bloggers like this: