Basilica Minore ng Simbahan ng Quiapo, itinanghal na bilang National Shrine

Pormal nang idineklara bilang National Shrine of Jesus Nazarene ang Basilica Minore ng Quiapo Church ngayong Enero 29, Lunes.

Ang deklarasyon ay pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula kasama ang iba pang mga obispo at pari ng Archdiocese of Manila.

Ang pagiging Pambansang Dambana ng Quiapo Church ay kasunod ng pag-apruba ng Vatican dito.

Nauna na ring inaprubahan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang petisyon na ideklarang “national shrine” ang Quiapo Church noong Hulyo 2023.

Sinabi ni Cardinal Advincula sa kanyang homily na ang pagdagsa ng mga deboto sa Quiapo kada taon ang isa sa mga naging dahilan ng pagkakatalaga nito bilang Pambansang Dambana.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.