Barangay councilor, patay sa aksidente sa kalsada

Patay agad ang isang 42-anyos na konsehal ng barangay matapos salpukin ang kanyang sinasakyang motorsiklo ng isang cargo truck kagabi sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay II-E, San Pablo City, Laguna.

Ayon sa San Pablo City Police Station, ang biktima ay nakilalang si Dennis Belarmino Niem, barangay councilor ng Barangay San Juan ng nabanggit na lungsod.

Ang driver na suspek ay nakilala naman bilang si Diogenes Rubio Millete, 53 anyos, ng Barangay Tinandog, Atimonan, Quezon.

Nangyari ang trahedya bandang alas 10 ng gabi kagabi. Binabagtas ni Rubio ang kahabaan ng Maharlika Highway patungo sa Alaminos, Laguna gamit ang Mitsubishi cargo truck na may plate no. DBH-996, habang si Belarmino naman ay nasa kabilang direksyon patungong Tiaong, Quezon sakay ng kanyang motorsiklo.

Nagkasalpukan ang dalawang sasakyan na agad na dahilan ng agarang pagkamatay ni Belarmino matapos magtamo ng matinding pinsala sa ulo at halos madurog ang mga binti sanhi ng matinding pagkakabangga.

Agad na ikinulong sa San Pablo City Jail ang suspek at sinampahan na ng kasong homicide and  damage to property.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.