Bagong DOH official, nanumpa na

Share this information:

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na nanumpa na ngayong Lunes si dating Philippine National Police (PNP) Chief Camilo Cascolan bilang undersecretary ng ahensya.

Mismong si DOH-OIC Maria Rosario Vergeire ang nagpanumpa sa dating PNP Chief.

Specific assignment will be issued through a Department Personnel Order (DPO) in the coming days,” sabi ng DOH media Viber group.

Si Cascolan ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang isa sa mga undersecretary ng DOH.

Ilang grupo naman ang bumatikos sa pagkakatalaga ni Cascolan at sinabing isang insulto sa hanay ng mga medical professionals ang kanyang appointment.

Ngunit ayon sa Pangulo, hindi kailangan na maging doktor ang itatalaga sa DOH dahil hindi naman pagdating sa kalusugan ang kanyang focus.

Sa halip, istratehiya ng dating hepe ng PNP ang pag-rightsize ng ahensya at tutukuyin ang mga pagbabago sa istruktura.

We need somebody to examine what has been going on. What works, what doesn’t work, what needs to be worked on. That will be his function, special concerns,” sabi ng pangulo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.