Bagong COVID-19 cases, umabot sa 1,894 ngayong araw

Share this information:

Nadagdagan pa ng 1,894 na mga bagong kumpirmadong kaso ng Corona virus disease sa bansa base sa pinakahuling case bulletin ngayong Pebrero 5 ng Department of Health (DOH).

Sanhi nito, umabot na sa kabuuang 533,587 ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang mga gumaling naman sa sakit ay nasa 397, dahilan para maging 488,274 ang bilang ng mga naka-rekober.

Sa tala naman ng mga pumanaw, mayroong nadagdag na 61 kaya umakyat na sa kabuuang bilang na 11,058. Ang mga aktibong kaso naman kung saan patuloy na nagpapagaling ang pasyente sa mga hospital at quarantine facility ay nasa 34,255.

Batay pa rin sa case update ng DOH, may naitalang 6 duplicates na inalis sa total case count.

Sa bilang na ito, 3 ang recovered cases.

Bukod dito, 47 pang kaso na na-tag ang na-reclassify bilang pumanaw matapos ang pinal na validation ng D0H.

Samantala, mayroon pa ring  6 na  laboratoryo na bigong makapagsumite ng  kanilang datos sa COVID-19 Data Repository System o CDRS nitong February 4, isang araw bago ilabas ang daily COVID-19 report.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Final list of vaccination priority sectors released

Fri Feb 5 , 2021
MALACAÑANG has finally released the list of specific priority groups for vaccination against the highly-infectious virus from Wuhan, China. In a press briefing, presidential spokesperson Harry Roque said the list was adopted by the Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) based on a multi-sectoral study headed by the medical […]

Follow Us

%d bloggers like this: