Bahagyang bumaba ang bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID019) na naitala ng Department of Health ngayong Martes.
Sa DOH Case Bulletin No. 283, nasa 1,314 ang mga bagong kasong na-validate ng DOH kumpara sa mahigit 1,700 kahapon.
Nasa 24,375 ang aktibong kaso ng COVID-19 o ang mga patuloy na ginagamot o naka quarantine.
Nasa 247 naman ang mga naitalang bagong gumaling kaya’t umakyat sa kabuuang 429,419 ang total recoveries.
Samantala, kung kahapon ay sampu ang nakumpirmang namatay sa sakit, pumalo ito ngayon sa 66.
Dahil dito, lagpas na sa 9,000 o 9,021 ang bilang ng mga namatay dulot ng SARS CoV-2.
Kasama naman sa top 5 ng mga maraming bagong kaso ng COVID-19 ang Quezon City, lalawigan ng Rizal, Benguet, Bulacan at Davao City.