Ayudang pang-kabuhayan mula sa Taytay LGU

Share this information:

SINABI sa isang kilalang salawikain sa Intsik na “Give a man a fish, and you feed him for a day. Teach a man to fish, and you feed him for a lifetime.”

At ito marahil ang ninais ng pamahalaang bayan ng Taytay sa lalawigan ng Rizal para sa ilang mga residente nito.

Higit sa tulong pinansiyal, patuloy ang pamamahagi ng pamahalaang bayan ng Taytay ng mga ayudang pang hanapbuhay para sa mga residente nitong lubos na naapektuhan ng patuloy na banta ng pandemya.

Makikita sa larawan ang ilan lamang sa mga benepisyaryo ng inisyatibong naglalayong lalo pang paunlarin ang garments industry sa bayang higit na kilala bilang “Garments Capital of the Philippines.”

Saksi sa pamamahagi ng ayudang pangkabuhayan ni Taytay Mayor Joric Gacula ang bagong talagang Department of Trade and Industry Rizal Provincial Director Desi Jurado II.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.