Breaking News

Share this information:

PATAY ang isang arkitekto makaraang tambangan, ganap na alas-otso ngayong gabi sa Barangay Mabatang, Abucay, Bataan.

Batay sa paunang ulat mula sa Abucay Police, kinilala ni Police Major Leopoldo Estorque Jr. ang biktimang si Jaime Francisco, 45 anyos, site architect sa Abucay Residences, native ng Maynila at nakatira sa naturang subdibisyon.

Nabatid sa imbestigasyon na lulan ang biktima ng isang Toyota Corolla (XDD-301) nang pagbabarilin ng mga suspek lulan ng isang commuter van na may plakang WUJ 740. 

Nakuha sa crime scene ang mga basyo at deformed slugs ng kalibre .45 at 9mm pistola.

Kaagad na naglatag ng dragnet operation ang PNP para sa posibleng ikadarakip ng mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa krimen.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: