APAT na chinese nationals ang napatay sa nangyaring malaking anti-drug operation sa bayan ng Candelaria, Zambales.
Isinagawa ang pagsalakay sa pinaghihinalaang hideout sa Noahs Place, Barangay Libertador nitong umaga ng Martes, September 7, 2021, ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA); Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG); Criminal Investigation and Detection Group (CIDG); AFP Task Force Noah, National Intelligence Coordinating Agency (NICA); Bureau of Customs (BOC) at Zambales Provincial Police Office-Provincial Mobile Force Company.
Napatay sa operasyon matapos makipagbarilan sa pulisya ang apat na chinese na nakilalang sina Gao Manzhu, 49; Hong Jianshe, 58,
Eddie Tan, 60 at Hu, Youhua, 50, pawang mga taga Fujian province, China.
Nasamsam sa operasyon ang nasa 500kilo ng highgrade shabu na nagkakahalaga ng P3.5Bilyon sa isang bahay na inuupahan ng mga suspek na sinasabing front ng kanilang operasyon.
Bukod sa bulto bultong shabu, nakuha din sa lugar ang apat na high powered fire arms; isang toyota fortunner at dalawang chinese passports.
Patuloy pa ang pag iimbestiga ng mga awtoridad sa isa sa mga malaking drug bust operation sa bansa.

