Anim, timbog sa shabu sa Valenzuela

BAGSAK sa kulungan ang anim na hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang bebot matapos maaresto sa isinagawang magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Sa report ni PCpl. Christopher Quiao kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong ala-1:40 ng Miyerkules ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Joel Madregalejo ng buy-bust operation sa No. 4573 Sampaloc St., Santolan Rd.  Gen T. De Leon.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Jaycee Morales, 35 anyos, matapos bentahan umano ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

Kasama ring inaresto ng mga operatiba si Welly Pepito, 40 anyos, matapos makuhanan ng isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P34,000, buy-bust money, P500 cash, 2 cellphones at maliit na silver box.

Samantala, bandang alas-2:30 naman ng Huwebes ng madaling araw nang maaktuhan ng mga operatiba ng SDEU na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang bahay sa Area 4 Pinalagad, Brgy. Malinta, sina Christopher Garcia, alyas “Tsong,” 47 anyos, Rodelio Mamerto alyas “Botchok,” 45 anyos, Anne Navarra, 36 anyos, at Catherine Sevilla, alyas “Taneng” 37 anyos, sa isinagawang validation ng mga pulis hinggil sa napaulat na pot session sa naturang lugar.

Ani SDEU investigator PSMSgt. Fortunato Candido, nasamsam sa mga suspek ang tinayang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) value P34,000, cellphone, P200 cash at drug paraphernalia.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.