PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Major General Anthony Aberin ang kanyang mga tauhan sa mapayapa at maayos na mga pagsasagawa ng kilos protesta sa Metro Manila sa magkasunod na dalawang araw.
Walang namonitor nitong Biyernes at Sabado, (Setyembre 12 at 13) na malaking insidente ng karahasan kaugnay sa isinagawang rally kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
“I commend each member of NCRPO for delivering a safe, peaceful and orderly public gathering. Our presence secured the safety of everyone during the public gatherings and at the same time, allowed our fellow Filipinos to exercise their rights to peaceably assemble and to freedom of expression within the bounds of the law,” ani Aberin.
Malaki ang paniwala ni Aberin na ang sapat na bilang ng mga pulis na ipinakalat sa hindi bababa sa 7 kilos-protesta ang nasubaybayan sa Metro Manila sa loob ng dalawang araw.
Aniya, hindi rin nagpabaya ang kapulisan sa pagtutok sa anti-criminality at iba pang responsibilidad sa komunidad.

