Bucor at IBP magkatuwang sa legal assistance sa PDLs

LUMAGDA ng memoramdum of agreement (MOA) ang Bureau of Corrections (BuCor) at Integrated Bar of the Philppines (IBP) para sa pagbibigay ng legal assistance sa Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Nilagdaan nina BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. at IBP National President Allan Panolong sa BuCor headquarters sa Muntinlupa City.

Sinabi ni Catapang na layunin ng MOA ang isulong ang pag-access sa hustisya at legal na proteksyon ng mga PDL, mapadali ang mga legal na remedyo na maaaring mag-ambag sa pagpapagaan ng sentensya,pagbawas ng parusa at gawing institusyonal ang mga serbisyo ng legal aid sa loob ng mga pasilidad ng Bucor.

Sa panig ni Panolong: “this MOA will prove that the law is a weapon of the poor and the weak and we wish to bring the IBP services to the public especially to those who have less in life.”

Kabilang sa mga serbisyong ito ang representasyon at payo sa mga apela at mga remedyo pagkatapos ng pagkakakulong, pati na rin ang tulong sa mga petisyon para sa pagpapagaan ng sentensya, pardon, parole, at executive clemency.

Tutulong din ang IBP sa paghahain ng PDLs ng petitions for habeas corpus at iba pang extraordinary writs.

Saklaw din sa MOA ang mga aplikasyon kaugnay sa good conduct time allowances (GCTA), preventive imprisonment credit, at time allowances para sa pag- aaral, pagtuturo at paggabay sa loob ng mga pasilidad.

Bukod pa rito, magsasagawa din ng seminar at educational programs ang IBP para mapahusay ang kamalayan at pang-unawa ng mga kawani ng BuCor sa mga legal na bagay sa mga operasyon ng bilangguan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.