Halos P9-Milyon “Kush” nasabat sa NAIA

NAKUMPISKA ang nasa P8.9 milyong Kush matapos abandonahin sa Central Mail Exchange Center (CMEC) nitong nakalipas na Lunes sa Domestic Road, Pasay City.

Nasa pangangalaga na ang umano’y droga ng mga miyembro ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) at intelligence personnel ng Aviation Security Unit NCR (AVSEU NCR).

Nadiskubre na ipinadala ng dayuhan mula sa United States at Thailand ang mga pakete sa Luzon, Visayas, at Mindanao, partikular sa Biñan, Laguna, Cebu,at Davao.

Naghinala ang tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa ilegal na laman ng mga pakete nang dumaan ito sa cargo X-ray screening na dahilan upang gamitin ang K-9 unit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagbigay ng positibong aksiyon

Ayon kay PNP AVSEGROUP Director P/BGen. Dionisio Bartolome Jr. na nadiskubre ang tinatayang 5,940 na gramo ng pinatuyong marijuana nakalagay sa 20 pakete at may halagang P8,910,000 ang laman sa inabandonang parcel.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.