2 South Korean na sangkot sa investment scams timbog ng BI

INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakahuli sa dalawang South Korean na parehong wanted ng Interpol at Seoul authority dahil sa pagkakasangkot sa multi-million dollar investment scams.

Ayon kay BI commissioner Joel Anthony Viado hindi na nakapalag ang dayuhan na kinilalang si Kim Young Sam, 58, nang arestuhin ng mga operatiba ng BI fugitive Search Unit sa tirahan nito sa BF Homes Village sa Parañaque City.

Sa panahon ng operasyon naaresto din ng mga operatiba ang isa pang wanted na Korean na kinilalang si Weon Cheolyong, 59.

Sinabi ni Viado si Kim ay idideport kaagad dahil siya’y pinalayas ng BI Board of Commissioners noong Disyembre 2021 para sa pagiging isang undesirable alien.

Subject rin si Kim ng Red notice ng interpol na Inisyu noon taong 2018 matapos ang isang warrant na inisyu ng Seoul Central District Court dahil sa fund raising ng isang negosyo na walang government permit.

Base sa report mula noong 2015, ang nasabing kumpanya ay nag -defraud ng higit sa 3 bilyong halaga ng pamumuhunan mula sa 253 na mga biktima.

Habang si Weon, naman ay isang overstaying alien na takas din sa Korea kaugnay sa maraming kaso ng pandaraya sa pamumuhunan na nagdulot ng pagkalugi ng higit sa 17 milyong piso mula sa 14 na mga nabiktima nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.