Unity Walk, Peace Covenant isinagawa sa Maynila

ISINAGAWA ngayong araw ang Unity Walk at Peace Covenant Signing para sa opisyal na paglulunsad ng kampanya para sa Secure, Accurate, Free, and Fair 2025 National and Local Elections.

Alas 6 ng umaga nang magtipon-tipon ang mga kinatawan mula sa gobyerno, law enforcement, relihiyosong sektor, at iba pang grupo ng lipunan upang pagtibayin ang kanilang paninindigan para sa isang ligtas, tapat, at maayos na halalan.

Sa ilalim ng kasunduang ito, nangako ang mga lumagda na:

Siguruhin ang seguridad ng bawat Pilipino sa pagboto, malaya sa banta, pananakot, o karahasan.

Pangalagaan ang katumpakan ng halalan sa pamamagitan ng tamang pagpapatupad ng mga proseso alinsunod sa batas at regulasyon ng Commission on Elections (Comelec).

Ipagdiwang ang kalayaang bumoto nang walang pamimilit o panlilinlang, at tiyakin ang patas na pagtrato sa lahat ng kandidato.

Panatilihin ang kapayapaan sa tulong ng komunidad at mga awtoridad.

Dumalo din sa naturang aktibidad ang mga miyembro at opisyales ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Comelec, at iba pang opisyal ng gobyerno at simbahan.

Panawagan nila sa  bawat Pilipino—kandidato man o botante—na magkaisa tungo sa isang mapayapa at maayos na halalan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.