6 High-School students sugatan sa ‘chemical explosion’ sa loob ng paaralan

SUGATAN ang anim na Senior High School students makaraang sumabog ang isinalang na chemical sa kanilang laboratory experiment sa loob ng paaralan sa Makati City kahapon.

Batay sa Bureau of Fire Protection (BFP), sa kasalukuyan, tatlong biktima ang nasa ospital habang tatlo ay nasa kanilang pamilya na sa pagresponde ng dalawang trak ng bumbero at isang ambulansya.

Alas 5:20 ng hapon nangyari ang chemical explosion na naiulat sa BFP ng alas 6:12 ng hapon at alas 6:46 ng hapon nang idineklarang ligtas na ang lugar o ang laboratoryo ng Globetek Science Foundation Inc. sa Barangay San Antonio, Makati.

Base sa imbestigasyon, sinasabing ethanol ang dahilan ng pagsabog kaya inaalam pa kung may naging paglabag ang paaralan sa safety protocol habang kumpleto naman umano ang mga dokumento sa paghawak o pag-iimbak ng kemikal gaya ng ethanol ang paaralan.

Napag-alaman na ang anim lamang na biktima ang nasugatan at hindi nadamay ang iba pang estudyante kasama ang tatlo umanong instructor na nasa laboratory ng class room dahil sila ang grupo na nagsasagawa ng eksperimento sa diumano’y bacteria na nakasalang.

Hindi naman kalakihan ang pinsala dahil isang maliit na botelya umano ng ethanol na nakapatong sa lamesa kaya wala namang gaanong napinsalang kagamitan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.