Barko ng PCG na nagkaroon ng “minor engine trouble,” nakabalik na sa pagpapatrolya

ISANG barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na nag-overheat di-umano sa kasagsagan ng pagpapatrolya nito sa West Philippine Sea ang nakabalik na sa mga gawain nito, lalo na sa pagpapatrolya ng ating karagatan.

Ayon sa PCG, agad namang naayos ang makina ng barko, ang BRP Teresa Magbanua, matapos itong kumpunihin ng mga tauhan ng PCG.

Tinawag naman ng PCG na minor engine trouble lamang ang naranasan ng barko kung saan makalipas ang anim na oras na pagkukumpuni ay agad ding bumalik sa pagpapatrolya sa nasabing katubigan ang barko. Wala namang dapat ikabahala ang publiko sa insidenteng ito, dagdag pa ng PCG. 

Sa ngayon, kasama na ang BRP Teresa Magbanua sa pagpapatrolya at nagsasagawa ng radio challenge para paalisin ang monster ship ng Chinese Coast Guard sa karagatan ng Capones Island sa Zambales.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.