‘Pananatili ng Chinese “Monster” ship sa teritoryo ng Pilipinas, iligal’ – NSC

TINAWAG na “Iligal'” ng National Security Council (NSC) ang pananatili ng Chinese “monster” ship sa Capones Island sa Zambales.

Kasabay nito, nanindigan ang National Security Council na walang karapatan ang Chinese Coast Guard (CCG) na manatili sa bisinidad ng Zambales gamit ang kanilang barko.

Sa isang pulong-balitaan kaugnay sa siwatsyon sa mga katubigan ng Pilipinas, sinabi ni Assistant Director General at tagapagsalita ng National Security Council na si Jonathan Malaya na walang personalidad ang barko ng tsina na manatili at magsagawa ng kanilang paglalayag sa karagatang sakop ng ating bansa.

Ayon sa opisyal, iligal at malinaw itong paglabag sa United nation Convention of the Law of the Sea at Arbittal Ruling noong 2016.

Sinabi naman ni Task Force on West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, namonitor nila kaninang umaga na nasa 67 nautical miles ng bisinidad ng Zambales ang 5901 vessel ng Chinese Coast Guard.

Agad na ipinadala ang dalawang PCG vessel sa nasabing karagatan upang magpatrolya at itaboy ang monster ship.

Sinabi naman ni Rear Admiral Vincent Ruy Trinidad sa panig ng Philippine Nay na ang kanilang barko ay magsasagawa rin ng sariling pagpapatrolya para masiguro ang seguridad sa teritoryo ng bansa.

Para kay Malaya, wala namang dahilan para mag-convene ang bagong organisasyon ng NSC dahil nagagawa pa naman ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno ang kanilang mga trabaho para bantayan ang teritoryo ng Pilipinas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.