PCG, nag-file ng mosyon sa korte para sa salvage operations ng barkong sumadsad sa Zambales

HUMINGI na ng awtorisasyon sa korte ang Philippine Coast Guard (PCG) para magsagawa ng salvage operations ng sumadsad na barko sa San Felipe, Zambales. 

Ang nasabing barko ay minamando ng pitong Chinese national na nakulong noong Mayo dahil sa paglabag sa ilang batas.

Sa tatlong-pahinang urgent motion na inihain ng PCG substation San Felipe sa municipal trial court (MTC) ng San Felipe noong Àgosto 6, sinabi na nagpatuloy ang presensya ng Hyperline 988 sa Barangay Maloma sa panahon ng bagyo na isang “hindi maikakaila na panganib sa buhay, ari-arian, at kaligtasan ng mga residente sa komunidad sa baybayin, gayundin sa kapaligiran ng dagat.”

The visible damage on the vessel is now clearly apparent thereby furthering the risk of environmental disaster and hazard to life, property, and safety of the general public,” saad sa urgent motion ng PCG.

Noong Hulyo 24, nagsampa rin ng hiwalay na reklamo ang PCG sa San Felipe MTC laban sa kinatawan ng Hyperline at Chinese crew ng barko na pinagbawalan din ng PCG na umalis sa bayan dahil sa matinding pagsuway sa isang “person in authority.”

Itinakda ng San Felipe MTC ang pagdinig sa Àgosto 16 sa parehong reklamo noong Hulyo at ang mosyon para sa pag-alis sa barko sa baybayin ng nasabing munisipalidad.

Nahaharap din ang mga Chinese crew member sa hiwalay na kaso sa paglabag sa immigration law na isinampa ng PCG sa Zambales Provincial Prosecutor’s Office noong Mayo 24.

Ang pitong tripulante, na nananatili sa isang lokal na resort at salit-salit na nagbabantay sa barko, ay inakusahan ng paglabag sa Philippine Immigration Law para sa, bukod sa iba pa, sa kanilang hindi awtorisadong pagpasok sa tubig ng San Felipe noong Mayo 14; para sa pagtatago ng kanilang pagkakakilanlan bilang mga dayuhang mamamayan, at para sa pagtataas lamang ng watawat ng Pilipinas kahit na ito ay isang banyagang rehistradong barko; at para sa kanilang “sinasadyang pagwawalang-bahala sa mga inilabas na hamon sa radyo nang walang makatwirang dahilan.”

Hindi pa nagtatakda ang prosecutor’s office ng pagdinig para sa nasabing reklamo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.