INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na layon nitong ilapit ang serbisyo nito sa mga tao pagdating sa “immigration compliance.”
“Our goal is to bring our services closer to people,” pahayag ni BI Commissioner Norman Tansingco kasabay sa pagtungo ng ahensiya sa Batangas City para sa ikaapat na yugto ng kanilang Immigration Service Caravan na gaganapin sa nasabing lungsod.
“While many of our services are now accessible online, we recognize the importance of personally engaging with our communities to facilitate immigration compliance,” dagdag pa nito.
Ang service caravan ay nagtungo na sa iba’t-ibang lugar sa bansa upang magbigay ng iba-ibang serbisyo kabilang ang mabilis na pagproseso ng visa, mga tourist visa, exit clearance, dual citizenship application, at iba pang mga serbisyo.
Sa pamamagitan ng caravan, sinabi ni Tansingco na mabilis nang makakapag-proseso ang mga dayuhan sa ating bansa at magagawa din itong sumbungan para sa mga dayuhan na ilegal na namamalagi sa bansa, mga foreign sexual predator sa Batangas City at mga kalapit na lugar.
Sinabi din ni Tansingco na para sa iba pang karagdagang impormasyon at update sa kanilang service caravan ay maaari silang magtungo sa official website ng ahensiya, www.immigration.gov.ph.

