Amerikanong wanted ng Interpol dahil sa telco fraud, timbog sa NAIA

ISANG Amerikanong matagal nang wanted ng Interpol at sa South Korea dahil sa pagkakasangkot nito sa telecommunications fraud ang agad na inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago pa man ito makaalis ng bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, naaresto ang suspek na si Shin Seung Chul, 69 taong gulang, sa NAIA Terminal 1 bago pa man ito makasakay ng Philippine Airlines flight patungong Narita sa Japan.

Inaresto ang suspek makaraang humarap para sa inspeksiyon kay BI officer Andrew Joseph Gatchalian sa BI departure counter kung saan nag-hit sa kanilang BI Interpol system na isa itong pugante mula sa South Korea.

Base sa datos, si Shin ay may Interpol red notice na inisyu noon pang 2016 kung saan wanted siya sa telco fraud sa Seoul na umaabot sa 572 million won, o mahigit US$418,000.

Si Shin, kasama ang dalawang iba pa, ay nagkutsabahan sa kanilang pambibiktima sa pamamagitan ng voice phishing.

Modus operandi ng suspek ay magpapanggap na mga opisyal sila ng isang banking institution na nag-iimbestiga sa isang money laundering na kaso, hanggang sa makumbinsi nila ang kanilang biktima na magdeposito sa kanilang account.

Sa datos ng rekord sa mga biyahe ni Shin, pitong taon na itong nagtatago sa bansa kung saan ang huling record nito ay noong pang Abril 12, 2016. Dumating siya sa bansa bago ang kanyang warrant of arrest at Interpol notice ay inisyu laban sa kanya.

He will be sent to Korea as soon as our board of commissioners issues the order for his summary deportation. He will then be placed in our blacklist and banned from re-entering the Philippines,” ayon kay Tansingco.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.