Deployment ng mga barko ng China sa Panatag Shoal, tinawag na “overkill” ng PCG

“OVERKILL” ang ginawang deployment ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) at Chinese militia sa Panatag Shoal o mas kilala bilang Scarborough Shoal, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) sa panahon ng civilian mission ng grupong “Atin Ito.”

Nasa 10 barko ng CCG at 10 Chinese militia, kasama ang isang barko ng People’s Liberation Army (PLA) ang namataan sa lugar ng Panatag Shoal ng mga awtoridad ng Pilipinas sa kanilang maritime domain awareness flight, ayon kay Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson para sa West Philippine Sea.

Ayon kay Tarriela, ito na ang pinakamalaking bilang ng mga barko ng China na naobserbahan ng PCG simula ng kanilang pagbabantay sa Panatag Shoal. Binanggit din niya na ang presensiya ng Atin Ito, na isang civilian mission lamang, ay labis na ikinababahala ng China.

Most likely it was an overkill on the part of the Chinese Coast Guard to deploy such large number of vessels because they themselves believe in their own lies…this is the highest so far in Bajo de Masinloc – 10 China Coast Guard vessels.”

Sinabi rin ni Tarriela na maging ang deployment ng Chinese ships na lumapas sa 50 nautical miles mula sa Scarborough Shoal ay “hindi normal.”

Sa pagitan ng Miyerkules ng gabi at Huwebes, hindi bababa sa dalawang barko ng CCG na may bow number na 4108 at 4203 ang sumusunod sa BRP Bagacay, na nagbunsod ng mga radio challenges. Ang barko ng PCG ay nag-escort sa “Atin ‘to!” mission.

Ang mga CCG vessels ay nagpatrolya 50 nautical miles mula sa Scarborough Shoal, subalit sinabi ni Tarriela na hindi ito nangangahulugan na lumawak ang kanilang saklaw.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.