Paggiba sa Sta. Mesa fire station sa Maynila, tinutulan

PLANO nang gibain ang isang lumang istasyon ng bumbero sa lungsod ng Maynila subalit ang planong ito ay mahigpit na tinututulan ng mga tagapagtanggol ng mga pamana ng lahi o “heritage advocates.”

Ayon kay Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR) Logistics Division chief Fire Superintendent Emmanuel Ricafort na sumailalim na sa bidding at nai-award na ang proyektong ito.

Sinasabing nakatakda nang gibain ang lumang Sta. Mesa Fire Station 8 sa Ramon Magsaysay Boulevard sa Sta. Mesa, Maynila upang bigyan daan ang isang road widening project.

Ayon kay Ricafort, matitira na lamang ay halos 150 mula sa 335 square meters o kalahati halos ng nasasakupan ng nasabing fire station.

Ito ‘yung naging basis para i-reconstruct itong fire station, at the same time, in-align din natin ‘yung ating programa, ‘yung modernization ng BFP,” dagdag pa ng opisyal.

Suportado ng BFP ang pagtatayo ng bagong gusali dahil ang pasilidad ng Sta. Mesa Fire Station 8, kabilang ang kisame at dranaige system, ay nasira na.

Samantala, tutol naman ang Renacimiento Manila, isang cultural organization at isa sa mga grupong nagtataguyod ng “heritage advocacy,” sa plano, at sinabing habang may pangangailangan para sa pagpapaunlad ng pasilidad ng paglaban sa sunog, hindi ito dapat magdulog ng kapinsalaan ng “kayamanan.”

Ayon kay Renacimiento Manila President Diego Gabriel Torres, mahalaga na maunawaan ng mga Pilipino ang kwento ng pag-unlad pagdating sa “terms of the story” ng firefighters at firefighting sa Pilipinas.

The best we could do is to retrofit and strengthen, have a structural analysis, anong parts nito ang maayos pa at kaya pang ma-salvage. And as much as possible, most of the building ang gusto pa nating maging intact pa naman,” dagdag pa nito.

Sumulat na rin si Renacimiento Manila sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP) kaugnay rito upang mahinto ang demolisyon.

Sa isang naunang pahayag, sinabi ng grupo na ang Sta. Mesa Fire Station ay itinayo noong 1919 at itinalaga bilang Station Number 8. Ito ang huling itinayo noong American at Prewar Years.

It survived World War 2 and as a result retain many fire fighting technologies and equipment which provide a glimpse into Fire Fighting History in Manila,” sabi ng grupo. 

Sa ngayon, pananatilihin ang lumang gusali hanggang sa mag-isyu ng permit ang Manila City government para sa proyekto. 

Sinabi ng Public Information Office ng pamahalaang lungsod ng Maynila na tinitingnan pa nila kung may mga kinakailangang dokumento ang BFP, kabilang ang clearance mula sa NHCP, para magpatuloy sa proyekto.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.