Patay sa nasunog na barko, umabot na sa 29

UMAKYAT na sa 29 katao ang kumpirmadong patay sa MV Lady Mary Joy 3 na nasunog nitong Miyerkules ng gabi sa Basilan, ayon sa pinakahuling datos mula sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinasabing marami pa sa mga pasahero ang nawawala kaya’t posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga namatay sa sunog.

Ayon sa isang panayam kay PCG District BARMM Commander Comodore Rejard Marpe, na-obserbahan ng mga survivors  na nagmula sa air-conditioned cabin ang sunog na sinundan ng mga nag-panic na mga pasahero.

Umabot na rin sa 160 ang rescued passengers habang 36 naman ang mga crew.

Sa kabuuang bilang ng mga nasawi, anim ang mga bata o minors.

Sa video na kuha ng PCG,  karamihan sa mga narekober na mga pasahero ay natusta ng buhay at hindi na makilala dahil nagmistula nang mga uling.

Magsasagawa ng imbestigasyon ang PCG kaugnay sa nangyaring insidente. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.