Mga kaso ng COVID-19 sa bansa kada araw, posibleng umabot lampas 17,000 sa katapusan ng Hulyo

SINABI ng Department of Health (DOH) na posibleng umabot sa 17,105 kada araw ang daily COVID-19 infections sa buong bansa sa katapusan ng Hulyo.

Ayon sa ahensiya sa isang advisory na ipinalabas kahapon, iyan ang mababang pagtatantya kung patuloy na susunod ang mga tao sa minimum public health standards (MPHS).

If MPHS further declines, along with other factors contributing to higher transmission rates such as lowered vaccination effective coverage and higher mobility, cases may be as high as 22,187,” ayon sa DOH .

Dagdag pa nito na ang mga numero ay batay sa pinakahuling projection noong Hunyo 24. 

Gamit ang parehong projection, sinabi ng DOH na ang pang-araw-araw na impeksyon ng COVID-19 sa Metro Manila ay maaaring umabot naman sa 11,186 sa pagtatapos ng Hulyo.

Ito ay base sa pinakahuling pagtaya ng DOH noong Hunyo 24 gamit ang Feasibility Analysis of Syndromic Surveillance using Spatio-Temporal Epidemiological Modeler or FASSSTER, ang disease surveillance and modeling platform ng bansa.

Gayunpaman, ipinaliwanag nito na ang pagpapabuti ng pagsunod ng publiko sa mga pamantayan sa kalusugan ay “maaaring magpakita ng uptrend ngunit sa mas mabagal na rate, na may mga pang-araw-araw na kaso mula 4,651 hanggang 6,037 bawat araw.”

Dahil dito, patuloy na hinihikayat ng DOH ang mga kwalipikadong populasyon na magpabakuna at magpaturok ng booster laban sa COVID-19.

The DOH and NVOC [National Vaccination Operations Center] are currently focusing efforts to ramp-up the rollout of vaccines for our current priority groups through granular and localized analysis of areas with low vaccine coverage of 1st boosters and high numbers of unvaccinated, which is concurrent to the goal of the current administration in building a wall of immunity against COVID-19,” dagdag pa ng DOH

Nauna rito, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga kaso ng COVID-19 ay maaaring tumaas sa katapusan ng Hulyo at nagbabala na ang mga ospital ay maaaring tumaas ang bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 sa katapusan ng Agosto dahil sa humihina na “wall of immunity.”

Ayon sa pinakahuling datos ng DOH, may kabuuang 71,055,752 katao sa buong bansa ang nakakumpleto na ng kanilang pangunahing pagbabakuna laban sa coronavirus, ngunit 15,342,652 lamang sa kanila ang nakatanggap ng booster dose.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.