ILANG mga kukuha ng Bar exams, diniskwalipika dahil sa paglabag sa honor code.
Ito ang inihayag ni 2020/2021 Bar Examinations Chairperson Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen sa Bar Bulletin 39 na kung saan sinabi nito na bilang Chairperson ay meron siyang prerogative na idiskwalipika ang mga examinees.
Ilan sa mga nakitang paglabag sa honor code ay ang hindi pagdedeklara na sila ay nagkaroon ng COVID-19, pagpasok ng mobile phones sa loob ng testing area, at pag-access ng social media tuwing lunch break.
Gayunman, nilinaw ni Leonen na ang disqualification ay para lamang sa kasalukuyang bar examinations at maaari pa rin silang kumuha sa susunod na pagsusulit.
“For now, reflect on what you have done, but know that you can still change your narrative. You will not end up as the examiner who lost your honor forever in your desperation to pass an examination. Learn from your mistake, and earn your honor back,” ani Leonen.
Dagdag pa ni Leonen,nasa 219 examinees ang hindi nakakuha ng exam matapos tamaan ng COVID 19.
Ang makasaysayang Bar exam ay ginanap nitong Pebrero 4 at 6 matapos makailang ulit na na-postpone dahil sa COVID-19 pandemic.

