Kelot, kulong sa patalim at pagwawala sa Malabon

SWAK sa kulungan ang isang lalaki matapos makuhanan ng patalim makaraang magwala at maghamon ng away sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Alarms and Scandal at BP 6 (Illegal Possession of Deadly Weapon) ang suspek na kinilalang si Ricardo Galura Jr., 28 anyos, ng No. 6670 Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.

Sa report nina PSSgt. Ernie Baroy at PSSgt. Diego Ngippol kay Malabon police deputy chief Col. Rhoderick Juan, dakong ala-1:30 ng hapon nang makatanggap ng tawag sa telepono mula sa concerned citizen ang mga tanod ng Brgy. Tugatog hinggil sa isang lalaki na nagwawala sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St. ng naturang barangay.

Kaagad rumesponde sa naturang lugar ang mga tanod at naabutan nila ang suspek na nagsisisigaw habang hinahamon ng suntukan ang bawat isa na makita nito.

Nagpakilala ang mga arresting officers na mga barangay tanod at tinangkang awatin ang suspek subalit, hindi sila pinansin nito at sa halip ay nagpatuloy sa pag-eskandalo.

Napilitan na ang mga tanod na arestuhin ang suspek at nang kapkapan ay narekober sa kanya ang isang kitchen knife.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.