66-anyos na lolo, natanggap din na call center agent matapos ang 12 beses na sumubok

KAHIT tinanggihan na ng labing-dalawang beses, hindi nagpatinag ang 66-anyos na si Willy Batucan para matanggap bilang call center agent.

Naging viral ang photo na ibinahagi ni Ma. Therez Magnolia Causing kung makikitang tuwang-tuwa na makabili ng lumang computer table si Lolo Willing makaraan siyang matanggap na call center agent.

“I was thinking it’s for his niece … sabi niya he’s working at a call center, tapos sabi niya 66 years old siya. Sabi ko, wow,” ayon kay Causing sa isang panayam.

Kalabaw lang ang tumatanda. Pero sa puso’t isipan natin, andun pa rin yung lakas at yung willingness ko na kailangan kong magtrabaho,” tiwalang pahayag ni lolo Willy.

Nuong una ay nahirapan umano si lolo Willy makaraang tanggihan ng labing-dalawang beses ng kumpanyang na kanyang sinubukang pasukan pero hindi pa rin niya ito sinukuan. 

“Naka-12 na akong bagsak, 13 na lang. Kaya binilisan ko ‘yung pag-apply. Salamat sa Diyos, yung ika-13, natanggap din ako sa wakas,” tuwang pahayag ni lolo Willy.

Hindi umano tinignan ng kumpanyang tumanggap kay lolo Willy ang edad nito kundi ang ipinamalas niyang sipag na naging inspirasyon ng mga mas nakababatang empleyado.

“Uncle Wil is a person that is passionate toward his work because for more than a year of pandemic he’s actually working at the office unlike us,” ayon sa kanyang officemate na Cedric Valdehueza.

Umaasa naman si lolo Willy na mabigyan ng pagkakataon ang mga tao na kahit may edad na ngunit nais pa ring magtrabaho.

“Kung merong willingness ang tao na magtrabaho, dapat merong paraan din sana ang government natin kung paano makapagbibigay ng trabaho,” ayon kay lolo Willy.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.