May senyales na ng community transmission ng Delta variant sa NCR at CALABARZON – DOH

MAY naoobserbahan nang mga senyales ang Department of Health hinggil sa community transmission ng Delta variant ng COVID-19 sa Metro Manila at CALABARZON pero nangangailangan pa rin ng karagdagang mga ebidensya upang makumpirma ito.

Ayon sa Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung pagbabatayan ang kahulugan ng World Health Organization sa community transmission, ito ay ang pagkakaroon ng clustering ng mga kaso at walang kaugnayan sa isa’t-isa ng mga indibidwal na tinamaan ng impeksyon.

Ang ganitong sitwasyon aniya ay tila nakikita na rin sa NCR at Region 4A o may mga kaso ng Delta variant na hindi magkakaugnay o hindi sila-sila ang nagkahawaan.

“Currently, we have seen and observed, especially in NCR and Region 4A, na talagang mukhang community transmission na ito. Nakita natin na wala nang link ang mga kaso sa bawat isa. We are seeing clustering of cases in these two big regions,” ayon kay Vergeire.

Gayunman, sinabi ni Vergeire na kailangan pa ring imbestigahang mabuti ng DOH katuwang ang WHO upang makumpirma ang community transmission.

“Definitely I can tell all of you, Region 4A and NCR, nandiyan na po [it is there], we can observe that already although we need further evidence but there is community transmission already in these areas,” dagdag nito.

Sa huling datos ng DOH, umaabot na sa 807 ang Delta variant cases sa bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.