P780M pondo ng cash assistance, hindi nagamit ng DSWD – COA

AABOT sa 139,300 na mga kuwalipikadong benepisaryo ng tulong-pinansyal ng gobyerno ang napagkaitan ng ayuda dahil umano sa kakulangan sa proseso ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inihayag ng Commission on Audit (COA) na ang nabanggit na mga benepisaryo sana ang mabibiyayaan ng aabot sa P780.71 milyon na hindi nagamit na pondo ng Social Amelioration Program (SAP).

Batay sa 2020 Report ng COA, ang mga tanggapan ng DSWD sa Region 2, 7, 8 at Cordillera Administrative Region (CAR) ay nag-ulat na hindi nagalaw ang pondong nakalaan sa mga benepisaryo ng cash aid program ng gobyerno bunga ng kakulangan sa validation process ng ahensya.

“Given the scarcity of government resources for COVID-19 expenses, there is a dire need to properly evaluate targeted beneficiaries through proper coordination and monitoring, and proper and efficient validation that could maximize the number of qualified beneficiaries who could benefit from the SAP,” ayon sa audit report.

Natukoy na ibinalik ang pondo mula sa mga rehiyon bunsod ng iba’t-ibang dahilan:

  1. Ang paunang listahan ng mga benepisaryo ay nahaluan ng mga hindi eligible o hindi kuwalipikadong indibidwal
  2. Ang pondong nakalaan sa lokal na pamahalaan ay labis sa aktwal na bilang ng kuwalipikadong benepisaryo
  3. Dumami ang bilang ng mga mahihirap na pamilya kumpara sa lumang listahan na nabuo pagkatapos ng paghagupit ng super typhoon Yolanda.

Tinukoy din ng ulat ng COA na mayruong unliquidated na SAP fund transfer sa mga lokal na pamahalaan na nagkakahalagang P4.363 bilyon kabilang sa National Capital Region, Regions 4A, 4B, 5, 6 at 8.

Processing of financial transaction and operations of the agency without sufficient and relevant documents and/or non-submission of liquidation reports will affect the validity and propriety of transactions,” puna pa ng COA.

bayad na cash aid kahit wala pa

Binanggit pa ng COA sa kanilang ulat na may ilang benepisaryo ng SAP ang hindi pa nabayaran pero nakasulat na sa database ng DSWD na “paid” o bayad na ito at umaabot sa P920,000 ang nasasangkot na halaga. “Considering the fact that these beneficiaries believed that they were not paid, but in reality they were paid as shown in the database, casted doubt on the validity of payments made,” batay pa sa ulat ng COA.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.