Lalaking ayaw uwian ng asawa,nanaksak at nanunog ng bahay sa Cavite

SUGATAN ang isang pamilya nang pagsasaksakin ng kinakasama ng suspek at sinunog pa ang bahay ng mga biktima sa Dasamarinas City, Cavite, Huwebes ng umaga.

Pawang ginagamot sa De LaSalle University Medical Center si Henry Basilia, 56, (ama) at  anak nitong sina Danica, 20; Alvin 15 at Henry 17 dahil sa tinamo nilang saksak sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan.

Ginagamot din sa Pagamutan ng Dasmarinas City ang suspek na si James Salinas, 22, dahil sa ginawang pananaksak at pagsunog sa sariling katawan.

Sa ulat ni Corporal Aaron John Golo ng Dasmarinas  City Police Station, dakong alas-10:00 ng umaga nang puntahan ng suspek ang kanyang live-in partner na si Danica sa bahay ng kanyang mga magulang sa Barangay Langkaan ng naturang lungsod para ayaing umuwi na.

“Kinukumbinsi niya (Danica) na umuwi na sa kanila pero tumanggi ang babae kasi sinasaktan siya ng lalaki  kaya nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa loob ng bahay,” ayon kay Golo.

Nang hindi nakumbinsi ng suspek na pauwiin ang kanyang live-in partner, dito siya nagalit kaya pinagsasksak niya ito.

Nang nakita naman ito ng ama ni Danica, tinangka nitong umawat subalit siya naman ang napagbalingan ng suspek at pinagsasaksak saka isinunod niya sinaksak sina Alvin at Henry.

Nagawang makatakas ang mag-aama at nang dumating ang mga barangay tanod upang arestuhin ang suspek pero nagkulong ito sa bahay  at nagsaksak sa sarili.

Hindi pa nakuntento,binuksan nito ang tangke ng Liquified Petroleum gas  (LPG) at saka nito sinindihan dahilan ng pagkakasunog ng bahay  na umabot sa halagang P400,000 ang nasira bagama’t hindi naman naapektuhan ang mga katabing bahay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.