24/7 na bakunahan, ipatutupad sa Maynila

MAGPAPATUPAD na ng 24/7 na bakunahan sa lungsod ng Maynila bilang bahagi ng paglaban sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Nangangailangan kasi ang lungsod ng Maynila ng maraming tauhan para sa ipatutupad na 24/7 vaccination.

Kabilang sa mga kinakailangan nila para sa kanilang plano na 24/7 vaccination ay ang mga doktor, nars, dentista, komadrona o midwife, medical technologist, parmasyutiko or pharmacist), iba pang propesyonal ng allied health, mga gradweyt ng kolehiyo o mag-aaral ng kolehiyo na maalam sa paggamit ng kompyuter, at iba pa.

Kaya naman nanawagan si Manila Mayor Francisco Domagoso sa mga nais magboluntaryo.

Kung sinumang lisensiyadong puwedeng magbakuna, idu-duty ko kayo sa gabi to replenish our workforce, our medical frontliners during daytime,” pahayag ni Domagoso at sinabing bukas ang Manila Health Department (MHD) sa mga interesado.

Sinabi ni Domagoso na kailangan nila ng karagdagang volunteers na may kaalaman sa pag-eencode sa computer para sa mga data na kakailanganin.

Nanawagan rin siya sa mga estudyante sa kolehiyo, SK officials at iba pang kabataan para tumulong sa gagawing 24/7 vaccination program.

Layon ng nasabing programa na matugunan ang target ng gobyerno na mabakunahan ang lahat kapag may sapat nang suplay ng bakuna. 

Maari namang makipag-ugnayan, tumawag o text sa  numerong 0995-1069524 at 09606040771 ang mga interesadong indibidwal. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.