Delta at Gamma variants, wala pang local case sa bansa

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau na wala pa ring “local case” ng  Delta variant na naitatala sa bansa.

Sinabi ni Dra. Alethea de Guzman ng DOH Epidemiology Bureau sa Kapihan session na hanggang ngayon ay wala pa silang nakikita ng Delta variant na sinasabing mas nakakahawa .

Gayundin aniya ang Gamma variant na wala pa ring naitatala sa Pilipinas .

Ayon kay de Guzman, ang nairekord lamang na kaso ng Delta variant ay mga returning overseas Filipinos o ROFs o mga galing sa abroad.

Binigyan-diin naman nito na napakahalaga ang ipinatutupad na paghihigpit  sa mga border control.

Mahalaga rin aniya ang pagsunod ng ating mga kababayan sa mga health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield.

Mainam din aniyang palawakin pa o mas marami ang coverage ng COVID-19 vaccination. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.