Mga tripulante ng sumadsad na cargo vessel sa Surigao del Norte, natagpuan na

Natagpuan na ng Philippine Coast Guard (PCG)  ang ilan sa 20 tripulante ng sumadsad na cargo vessel sa Surigao del  Norte.

Kinumpirma ni PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo na pito ang survivors habang apat na ang natagpuang patay.

Nagpapatuloy naman ang search and rescue (SAR) operations ng coast guard  para sa nawawalang siyam pang mga tripulante ng Landing Craft Tank (LCT) na Cebu Great Ocean.

Ayon kay Balilo, natagpuan ang mga crew sa bahagi ng baybayin ng Surigao area.

Sa ngayon, ayon kay Balilo ay hindi pa nakukuha ang mga impormasyon o pangalan ng mga survivors at mga namatay dahil nagpapatuloy pa ang SAR operations.

Matapos ang SAR operation ay saka pa lamang umano makakapagsagawa ng imbestigasyon ang PCG.

Ang nasabing cargo vessel ay  sumadsad sa shoreline ng Barangay Cantapos, Malimono, Surigao del Norte. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.