80 sa 81 lalawigan sa Pilipinas, idineklarang “malaria-free” na

Share this information:

MALARIA-FREE na ang 80 mula sa 81 lalawigan sa Pilipinas, at tanging ang Palawan na lamang ang lalawigan kung saan may natukoy na mga kaso ng malaria sa nakalipas na ilang taon.

Sinabi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nitong Martes na karamihan sa probinsiya ay nagdeklara na ng malaria-free simula 1995, kasama ang Cebu, Bohol at Catanduanes na na-tag bilang “malaria-free historically.”

Taong 2022 naman ng ideklarang malaria-free ang Oriental Mindoro, Rizal, Aurora, at Cotabato.

Paliwanag ni Vergeire, ang criteria ng pagiging malaria-free na mga probinsya ay walang local transmission ng malaria sa nagdaang limang taon.

Aniya, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa local government ng Palawan at ang pribadong sektor upang ang Palawan ay maging malaria-free.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang  malaria ay isang  “life-threatening disease” dulot ng parasites na naisasalin sa tao sa pamamagitan ng mga kagat ng infected na babaeng Anopheles mosquito.

Hindi bababa sa 247 milyong kaso ng malaria sa buong mundo ang naitala noong 2021, kung saan 619,000 na mga biktima ang namatay mula sa sakit.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.