58-anyos na medical frontliner sa Calabarzon, nabakunahan ng Sinovac

Share this information:

Calamba City, Laguna–Nagpabakuna ang isang 58 anyos na medical frontliner na may tatlong klaseng sakit o comorbidities upang labanan ang nakamamatay na sakit na COVID-19.

Halos isang dekada na itong may sakit n diabetes, hypertension at sa kasalukuyan ay dina-dialysis.

Pinangunahan ni Deparment of Health Region 4-A Regional Director Eduardo Janairo ang pagturok ng unang dose ng Sinovac kay Dr. Ramoncito Magnaye, ang Medical Center Chief ng Batangas Medical Center (BatMC) sa isinagawang bakunahan sa mga health workers na “Resbakuna, Kasangga ng BIDA.”

Sinabi ni Janairo na si Dr. Magnaye ang unang indibidwal na may comorbidities na nakatanggap ng bakuna tulad ng Sinovac matapos payagan  siya umano ng kanyang doktor na magpabakuna.

Nais lamang ipakita ni Dr. Magnaye sa mga health workers  na ligtas ang bakuna at walang dapat ikabahala maging Sinovac man o AstraZeneca pa.

Aniya, “Sa mga kapwa kong health workers, huwag na po tayong matakot, mag-dalawang isip pa o maghintay pa ng ibang bakuna. Magpasalamat po tayo at tanggapin kung anong bakuna ang ibinigay sa atin dahil lahat naman po ito ay ligtas at epektibo para sa ating kaligtasan para malabanan ang COVID-19,” sambit nito.

Mahigpit namang babantayan ang mga nakatanggap na ng bakuna kung may mga maramdamang epekto sa kanilang kalusugan.

Sa ngayon, nasa 300 health workers na ang nabakunahan sa BatMC kung saan may nakalaan na halos 1,011 doses na bakuna.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

SEC flags down another multi-billion-peso scam

Thu Mar 11 , 2021
THE Securities and Exchange Commission (SEC) has flagged down another illegal multi-billion-peso scheme perpetrated by the owners of a known restaurant chain of superstores. In a three-page document obtained from the SEC, Enforcement and Investor Protection Department chief Atty. Oliver Leonardo categorically hinted at Yumboss Putok Batok and Fresh Smart […]

Follow Us

%d bloggers like this: