INIULAT ng Department of Health (DOH) na mula Agosto 15 hanggang 21, nasa kabuuang 23,883 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa.
Ang daily average ng mga bagong kaso ng COVID-19 para sa linggong nabanggit ay pumalo naman sa 3,412. Ito ay mas mababa ng 15 percent kaysa sa bilang ng mga kasong naitala noong Agosto 8 hanggang 14, 2022.
Sa mga nabanggit na bagong kaso, 101 ay nasa malubha at kritikal na kalagayan. Samantala, umabot naman sa 321 ang mga naitalang pumanaw dahil sa COVID-19, kung saan 90 ay naganap sa pagitan ng Agosto 8 hanggang Agosto 21.
Noong ika-21 ng Agosto 2022, 811 mga pasyente na naitalang nasa malubha at kritikal na sitwasyon ang naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,586 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 699 o 27.0 percent ang okupado, habang 30.2 percent ng 22,076 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Naitala naman ng DOH na mahigit na sa 72 milyong indibidwal o 92.59 percent ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 17 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Nasa 6.8 milyong senior citizens naman o 78.01 percent ng target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Muling pinapaalalalahan ng DOH ang publiko na huwag pa ding maging kampante sa banta ng COVID-19, at ipagpatuloy pa din ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1.