2 sa 5 adults, magdiriwang ng Valentine’s Day – SWS Survey

RAMDAM pa rin ng mga Pilipino ang papalapit na selebrasyon ng Valentine’s Day sa gitna ng nararanasang pandemya.

Ito ay makaraang lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na dalawa sa limang adult o nasa tamang edad ang mayruong ka-date o magdiriwang ng Araw ng mga Puso.

Katumbas ito ng 39% adult Filipinos habang nasa 31% naman ang hindi pa sigurong kung magsi-celebrate o hindi at 27% ang nagsabing hindi sila makikipag-date sa Valentine’s Day.

Nabatid pa sa SWS na karamihan sa mga may ka-Valentino ay nagpaplanong magtungo ng simbahan sa Linggo dahil nais nilang humingi ng basbas para sa matatag na pagmamahalan.

Samantala, 50% naman ng mga magsing-irog ang nagsabing maligaya sila ngayon sa kanilang lovelife, nasa 31% ang humirit na sana ay mas masaya pa habang 18% ang walang lovelife o buhay pag-ibig.

Nasa 27% naman ng mga magkasintahan ang nagsabing mayroong ibibigay na regalo sa kanilang mga nobyo o nobya o asawa.

Aabot naman sa 25% ng mga respondent ang nagsabing maghahanda na lamang sila ng pagkain sa kanilang tahanan upang makaiwas sa ano mang banta ng COVID-19.

Nasa 11% sa mga tinanong ang nagbanggit na magpapadala na lamang ng Valentine greetings sa pamamagitan ng SMS o kaya ay online communications.

Isinagawa ang survey mula nuong Nobyembre 21 hanggang 25 nuong nakaraang taon at aabot sa 1,500 ang respondents sa Balance Luzon, Visayas, Mindanao at Metro Manila.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.