Walang natatanggap na banta laban kay VP Sara — NBI

INIHAYAG ng National Bureau of Investigation (NBI) na wala silang natatanggap na banta laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.

Ito ay ayon kay NBI chief Director Jaime Santiago matapos na maglabas ng pahayag si VP Sara laban kina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr,, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez at kondenahin ang  kautusan ng Kamara sa paglilupat kay Atty. Zuleika Lopez, ang kanyang chief of staff mula sa detention facility ng Kongreso patungo sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Si Lopez ay ikinulong sa mababang kapulungan matapos siyang ma-cite in contempt sa umano’y hindi nararapat na pakikialam sa imbestigasyon ng Kamara sa mga confidential funds ng opisina na hawak ni Duterte.

Nilinaw na rin ni VP Sara na ang kanyang pahayag ay hindi isang banta, at idinagdag na nais lamang niyang i-highlight ang umano’y banta laban sa kanyang seguridad.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.