Turn-over of command sa NBI

PORMAL nang nanumpa bilang officer in charge (OIC)  ng National Bureau of Investigation (NBI) si Atty. Angelito Magno na  kapalit ng nagbitiw na si NBI Director Jaime Santiago.

Pinangunahan ni Santiago ang turn over ceremony sa tanggapan ng NBI matapos ang flag raising ceremony kung saan ipinasa na ni Santiago kay Magno ang pamumuno sa ahensiya.

Si Magno ay isang career officer bilang imbestigador sa loob ng higit sa 33 taon at naging hepe ng Special Action Unit at naging Regional Director sa  Regions III, I, IV-A, at X, kung saan pinangasiwaan nito ang malawak ng jurisdiction sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa kanyang pamumuno nakamit din nito ang malaking accomplishment sa pagkakasabat ng P3.8 billion halaga ng illegal na droga sa Pampanga at marami pang iba.

Si Magno ay namuno rin bilang hepe ng NBI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at siniguro nito kay Santiago na ipagpapatuloy niya ang nasimulan nito sa pamamagitan ng maayos at tapat na pamamahala sa ahensiya para sa bayan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.