Swiss national timbog sa P40milyon shabu sa NAIA

NABIGONG ipuslit ng 72 taong gulang na Swiss national nang tangkain nitong dalhin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang P40.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu (crystal meth) nitong Lunes.

Sa ulat ng Bureau of Customs BOC-Port of NAIA,humigit- kumulang 6,000 gramo ang bigat ng umano’y shabu na nakuha sa pag-aari umano ni Eva Franziska Kjellstorm ng Switzerland.

Batay sa Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG), dumating ang dayuhan mula sa Abu Dhabi ang mga kahina- hinalang larawan mula sa kanyang check-in luggge dinaan sa nakagawiang x-ray scan ang  pagsusuri.

Ang manu-manong inspeksyon ay nagsiwalat ng “apat na plastic pack na naglalaman ng mga puting crystalline substance na nakatago sa mga gilid ng bagahe ng pasahero,” ani ng BOC.

Isang K9 unit mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), gayundin ang spectrometer testing ay nagpahiwatig ng positibong resulta para sa iligal na droga.

Makalipas ang ilang sandali ng pag-aresto, binigyan ng kustodiya ng PDEA ang suspek at ang hinihinalang kontrabando para sa imbestigasyon at tamang disposisyon.

Nakatakdang sampahan ng pormal na reklamo ang suspek dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.